princessang paru-paro

Oct 12 2009

ng bumisita si ‘Ondoy’

Nasimula ng mapansin ng lahat, na tuwing ako’y magdidiwang ng kaarawan, ay madalas maulan o ang mas malala, bumabagyo. (birthdate: September 30, 1988 :P)

Kaya hindi na ako nagulat ng bisitahin ang Pilipinas ni bagyong ‘Ondoy’ noong Setyembre 26 (Sabado), dahil babatiin daw niya ako. (sounds funneh.)

Marami sa atin ang may kanya-kanyang karanasan sa bagyong ito. At gusto ko lang ibahagi ang sa akin:

Pagdating ko sa opisina ay tuloy-tuloy na ang buhos ng ulan. Pagsapit ng alas-dose ay nagsisimula ng tumaas ang tumaas ang baha sa kalye ng Leon Guinto. Inabot na ang unang baitang papasok sa aming opisina. Kaya nagantay pa kame ng ilang oras upang tumila ang ulan (na hindi naman nangyari) at para kumbinsihin ang sariling kong lulusong ako sa baha na abot tuhod na.

Tuluyan na nga naming nilusong ang baha, patunog sa LRT station. Punong puno pa ng tao ang LRT noon at lahat ay gusto ng makauwi sa kani-kanilang mga tirahan. Pero ako at ilang pang mga ka-opisina ay tumungo pa sa SM Manila. Upang makatawid galing sa LRT station, ay kinailangan naming tawirin ang baha na abot bewang na. Dahil hindi opsyon ang pagsakay sa pedecab, dahil wala akong balak magpaka-‘gymnast’ pag nahulog ako at mababasa pa lahat ng gamit ko.

Nakatawid naman kame ng mahusay sa SM Manila. Takbo agad sa botika at ‘department store’ para magpalit ng damit. maswerte pa kame dahil may pera kame at sa ‘mall’ ang punta namen, tuyo at may supply ng pagkain.

Pagsapit ng alas-siete ng gabi, ay tumila na ang ulan, ngunit walang pagbabago sa tass ng tubig baha. Kaya ayaw man namin ay nagpasya kaming magpaumaga na sa SM. Naghapunan kame at pagkatapos ay nagpalipas ng oras sa ‘Starbucks’, kape at kwentuhan ang bumuhay sa amin.

Naging pawang evacuation center ang loob ng mall. Mabuti nalang at hindi kame tinaboy o pinilit na umuwi. May bilihan din ng pagkain na naiwang bukas hanggang madaling araw. Hirap na hirap kameng kumuha ng tulog sa malamig na sahig at sa masikip na kotse.

Pagdating ng alas-dies ng umaga ay nagpasya na akong umuwi kahit kaylanganin kong suymakay ng pedecab. Umaaraw naren kase noon at wala ng ulan. Mejo bumaba naren naman ang tubig baha.

Habang nakasakay sa LRT ay nakita ko paring puno pa ng tubig baha ang mga kalye ng maynila at ang mapa ng Pilipinas sa may luneta, ay lubog naren sa tubig, parang ‘real life depiction’ lang talaga. haha.

Isa ito sa mga karanasang hindi ko malilimutan at ipagdarasal na di na maulit muli.

(isang nakakatawang litrato nahanap ko sa ‘internet’… ala spartans. haha.)

spartans, sugod sa baha!

Dahil sa bagyong ito, lumabas ang natatanging kaugalian ng mga Pilipino na matulungin at makapag-kapwa tao.

Ang aking pakikiramay sa mga nawalan ng minamahal, bahay, pangkabuhayan at sa mga patuloy na nakababad paren sa tubig baha. Kaya naten to! Mabuhay ang mga Pilipino!

Page 1 of 1